Wednesday, May 20, 2009
Ang Beer sa Umaga at ang Kape sa Gabi.@11:50 PM


Nagbabalik. Bih-Bih TandangTagalog at your serbis! Ahehehe. Pinausong salita ng nagiisang Bih-Bih =)) Biro lang. Ngayon, kasalukuyan akong nananaginip. Ninanais ko na sanang sumakay sa biyaheng papauntang langit. Muntik na akong sumakay, buti na lang may nauna nang pumara sa akin at nalaman kong hindi sapat ang pera kong pambayad. Sayang, hindi pa naman din masyadong puno yung jeep at ang masama pa dun, di-aircon pa yung jeep. Hindi po ito ang jeep na muling ipinapasada ni Joseph Estrada. Ito po ang jeep ni...
Maganda ba? Pano kaya kung ganyan ang pagpapalagay mo sa iyong kamatayan? Pano kung hindi ka pa naman talagang nakatakdang sumalangit at isa lang itong pagsusulit? Magagalit ka ba o magpapasalamat dahil nabigyan ka ulit ng pagkakataong mabuhay at iwasto ang mga bagay bagay sa inyong buhay na sadyang magulo? Mukha ba itong kwento ng isang out-of-body experience? Malamang oo, pero ang totoo niyan, naglaro lang naman ng see-saw ang paksa ng kamatayan at pangalawang buhay sa aking mapagbirong isip. Naisip ko lang kung tatanggapin ko yun ng mula sa aking puso o pagsisisihan ko habang buhay. Hay Ewan. Nabubuwang nanaman ako. Wala na talaga ako sa tama kong pag-iisip. Matino ba akong tao, na nagbabahagi ng saluobin tungkol sa kamatayan? Haha! Baliw na talaga ako, kaya siguro wala nang nagtitiyagang makipag-usap sa akin.

Eto ang kwento sa likod ng drama...
Matatapos na ang panahon ng pagpapahinga at bakasyon. --In short, magiging biktima nanaman tayo ng mga libro't ballpen natin. Sasantuhin nanaman natin ang napaka-lawak na berdeng palayan na naguguhitan gamit ang alikabok na pinatigas. Uupo nanaman tayo sa isang execution chair na unti-unting pumapatay sa atin sa bawat patak ng segundo at haharap nanaman tayo sa mga kampon ng matematika, english at science-- mga kapwa din natin biktima except sila, nagkakapera. HAHA!
Iskul-Blues nanaman ang drama ko mga kapatid. Masarap mang isipin na magkakasama ulit tayo, masaklap din isiping magkukumpulan nanaman tayo sa isang kwartong puno ng punishment chairs at chalk dust.

WISH KO LANG makasama ko ang mga taong nais kong makasama para naman hindi ako mapilitang hagilapin ang jeep na biyaheng langit. --Gets mo naman siguro kung bakit di ba?

Father dear hens, hindi ito related sa nauna kong paksa pero natutuwa ako at sa wakas...
2 B Continued. =)) *Hinukay ko pa ang text lingo ko para lang ma-type yan! PROUD AKO =)) =))

Deeming Virgin
Resurrection

THIS REQUIRES FOCUS.
Different
Names
for the
Same
Thing