Saturday, June 13, 2009
UBEness :>@2:39 AM

"UBEness."
(Kahawig ni Maxara si Lady Gaga) =))

Ipinakikilala ko kayo sa mga espesyal at malalambing na miyembro ng UBE. Kulang pa yan' pero pwede na, hayaan niyo makukumpleto din yan :D Masarap kasama ang mga taong nandiyan. Magaan sa loob, purong tawanan at kasiyahan yan ang 100% guarantee ng grupong ito. Sigurading walang magrereklamo. May kaingayan sila pero walang kapantay ang kasiyahan na madarama niyo sa piling nila. Hindi sila sikat dahil sila'y mayayaman o di naman kaya'y sila ay mahilig mang-away. Sila ay sikat dahil sila ay totoo. Mukha lang silang mandadagan pero sa totoo lang, nandiyan sila para yakapin ka't samahan. Mapabuti man ang karamdaman mo o di naman kaya'y lagpak ka sa kalungkutan, wala silang pinipiling sandali upang makasama ka, basta't magkakasama, kayang-kaya lagpasan ang lahat. Hindi natitinag ng bagyo at hindi nagigiba ng kaguluhan. Solid sila lalo na ngayon at nagkakaisa sila. Para bang in perfect harmony. Maayos ang coordination nila. Nagkakaisa sila. Mahilig ipauso ang walang iwanan. Nangangakong nandiyan. Para sa akin, yan ang UBE. Tunay at Solid.

Pano ba maging isang UBE?
Madali lang yan kung kakayanin niyo.

Una sa lahat, dapat malakas ang resistensiya ng inyong mga baga dahil walang tigil sa pagtawa ang isang UBE. Mangiyak-ngiyak na at lahat tuloy-tuloy pa rin ang tawanan. Favorite pasttime mo dapat yan. Dapat marami kang hirit na magpapaskil ng ngiti sa inyong mga kasama. Ang bato ay hindi tatagal dito.

Pangalawa dapat sanay ka sa sigawan at ingay. Ang tahimik ay mawawasak ang mundo dito kaya kung ayaw mo sa ingay, pasensiya na hindi ka babagay sa UBE. Yun lang yon.

Pangatlo kinakailangang mahilig kang tsumibog. Lamon ang tawag mo sa kain at hindi ka humihindi sa pagkain. Di bale nang tawagin kang PG "Patay Gutom" wag ka lang mamatay sa gutom. Ang grupong ito ay madalas napagsasama ng pagkain. Ang hindi mahilig kumain ay hindi tatagal kasama ang ube. Yun lamang.

Pangapat dapat mahal mo si God.

Panglima dapat handa kang makinig sa mga negatibong bagay tungkol sayo. Huwag kang magagalit. Dapat tanggapin at dapat mong baguhin ang mga ugaling yon.

Panganim mahal ng grupo si Lord pero naging biktima rin kami ni Satanas >:) Parte ng pananalita ang ilang mura sa buhay (Pasensiya na po)

Pangpito and isang ube ay hindi nangiiwanan ng kaibigan at handang sumuporta sa kung ano mang desisyon mo. Kung ano ang magpapasaya sa kasama, aba! Suportado yan!

Pangwalo ang isang UBE ay nabubuhay sa Musika. Para itong dugong nananalantay sa inyo. Nakakamatay sa isang UBE ang kawalan ng Musika.

Pangsiyam jologs na kung jologs. =))

Ika-sampu ang UBE ay nagmamahalan sa isa't-isa at pinagkakatiwalaan.

Para sa akin, yan ang mga importanteng katangian ng isang UBE. Marami pang kulang diyan xD

Deeming Virgin
Resurrection

THIS REQUIRES FOCUS.
Different
Names
for the
Same
Thing