Nag-aalay ako ng dasal para sa kaluluwa ng isang modelo ng totoong Pilipino.
Tita Cory, salamat sayo.
- - - - - - - - - -

Dahil ipinagdiriwang natin ang buwan ng ating wika...
Ako'y mag-lalahad ng aking mga saloobin sa sarili nating wika.
Nais ko lang ilahad ang aking saloobin tungkol sa litratong nasa ibabaw ng aking pahayag.
Kung mamarapatin niyo, nais ko lang mag-bigay ng mensahe sayo, Ginoong, Lautner.
Sa iyong katayuan diyan sa litratong iyan, nais ko lamang ipahayag sayo ang aking pagkadismaya sa iyong aksyon at itsura. Siguro kung ako ang nasa katayuan mo ng mga panahong iyan, lulubos-lubusin ko na ang pag-kakataong ibinigay sa akin. Ang titigan ka ng ganyan ng isang napaka-gandang nilalalang. Alam mo yun. Nasa iyo na e. Ipinagkaloob na sayo. PINAKAWALAN MO PA. Alam mo yun. Medyo lang. Nakaka-asar. Sana man lang kung ayaw mo, hindi ganyan ang itsura mo. Nakakairita kasi e. Parang pribilehiyo pa ni Ashley ang titigan ka ng ganyan. MEDYO LANG TALAGA. Sobra.
Ayun. Hayaan mo, kapag tapos na ang buwan na ito, muli ko itong ipapaskil, sa wikang Ingles na.