Saturday, January 31, 2009
Ano kaya sa tingin mo?@9:29 PM

MISTERIO.

Bakit sa tuwing mag-iisip ako ng aking itatala dito, palaging sinisigaw ng utak ko ang salitang "WALA" ?! Mahirap mang aminin pero mahirap talagang mag-isip lalo na kung wala kang maisip, na-intindihan niyo ba? Malamang hindi. Mistulang walang makakaintindi nito kungdi ako.

Oo nga pala, bago ko makalimutan at bago mo rin makalimutan, ... Ako si EYRLALMT UQMINIOME ** ****** RADNADE. Me erpats call me, EIQNU and my tropa calls me RYTM. Kung hindi mo gets, WAG MO NANG ALAMIN.

Alam mo, walang masama sa pag-gamit ng wikang banyaga, ayun naman eh kung magaling ka talaga dito, katulad na lang ng taong kilala ko na itatago ko sa pangalang... - - - - (Itatago ko nga eh) =)) siya ang matalik kong kaibigan. Madalas niyang paduguin ang ilong ko, isubo ba naman ako sa mga so called "dictionary words" na talaga namang gugunaw sa napaka-purol kong kokote. -Maari na kayong tumawa ng inyong pinakamalakas na maladimonyong halakhak-

Umaga pa lang, dilat na ang mata ng Andrade team. Sabi kasi ni Nanay maglalakad daw kami sa clubhouse para magbayad ng tubig. Tsaka binahagi ko sa kanya nung isang araw na gusto kong magbawas ng timbang, medyo kumakapal na ang tapal ng lovehandles ko eh =)) Ayun, pinagbigyan naman niya ako sa aking hiling, naglakad kami pababa sa aming subdivision. Marami kaming nakitang mga tinatayong mga bahay, townhouses, apartments, bahay ng daga, pusa, palaka at marami pang iba, Meron nga kaming nakita na nagtatayo ng Ant Hill eh! :)) Ayun, dalawang townhouses ang aming pinasok, isang maganda at maayos at pulidong gawa at ang isa naman ay, ... maliit at aakalin niyo bang mahigit limang beses akong nauntog sa may hagdanan, pano naman kaya ako tatagal sa ganoong bahay, Haaay~

Papuntang clubhouse, grabe, ang dali lang, yun eh kung ako lang sana ngunit kasama ko sa aking "fieldtrip" ang aking butihing ina at ang aking amerikanong kapatid, kailangan mo pa silang paalalahanan na tumingin sa kanilang dinadaanan at tumabi dahil baka sila ay mahagip ng mga dumadaang mga barumbadong drayber. Nagmukha akong "tour guide" at sila ang aking butihing mga turista. Nakakaaliw, SUPER! Habang papunta kami, bilib na bilib ang aking ina sapagkat alam na alam ko daw ang pasikot-sikot papunta ng clubhouse, Wow. BUMILIB ang ina ko sa akin, ACHIEVEMENT! Dapat pala nagboboluntaryo akong maghatid sa kanila ng aking lola sa aming subdivision para naman may silbi ako. -Halakhak- Nakarating na kaming clubhouse. Ayos naman wala pang napapagod sa amin tatlo, tapos na ring magluksa ang aking ina dahil nagbayad siya, malamang wala nanaman siyang $CASH$ =)) Pauwi, na kami nang dinaanan namin ang isang Garden. Naaliw naman ako sa "HorseTail" na binebenta nila, nagustuhan din ng ina ko kaya naman, ayun, nahikayat siyang bumili. Haha! Anong say niyo, wala yung pera ah! :)) Mura lang naman talaga, hindi kailangang mangamba ni Ninoy dahil hindi siya ipapaampon sa kamay ng isang hardinero. Ayun, nang kami'y makauwi na, ... sinabi ko kay mommy na bigyan namin ng pangalan yung halaman na binili namin. Pumayag naman siya at umupo kami sa sofa at nagisip ng mga possibleng pangalan ng pinakabagong miyembro ng aming pamilya.
M
axima! Procopia! Marinela! Ilan lang yan sa mga pangalan na binalak naming ibinyag sa aming newest family member, pero sa huli siya ay nabinyagan sa pangalang... PETRA! -lumuluha, tears of joy- Ayun na, sa wakas, dumating na si Petra. Grabe, grand welcome! Sa tuwing dadaanan namin siya palagi namin siyang babatiin ng Petra. Nakakaaliw di ba? :))

Haaay, wala namang dapat ikagulat sa naging takbo ng araw ko, eto pasalamat na lang ako at humihinga pa rin ako, grabe ang bachoy ko na. Haha! Kaya naman nung kinagabihan pagkatapos naming manalangin sa tahanan ni DUDE ALMIGHTY, namili kami ng ... PAGKAIN! :D Para naman na daw yun sa isang linggo, according to my mother's motherly predictions, 99.9% not accurate. Ayun na nga, namili na kami. Haha! ~ Ikinalulungkot ko subalit merong mga detalye na hindi ko maaring ibahagi xD =))

Ayun na.

Bestfriend. May naisip ko nung nabasa ko yung komento mo sa akin, ... RUN, bestfriend, RUN! =)) Haaay.

Ang galing! Meron nanaman tayong pauso! Ang galing galing talaga natin! :))

Maglalagay ako ng litrato ni Petra dito, para naman makilala niyo siya :D Um, bukas makalawa magkakaroon na siya ng y!m at multiply, -- ANG VAIN KAYA NIYA! =))))))))))))))))))

Wala na akong pakialam sa kung anong gusto mong mangyari, bahala ka na sa mundo mo. Bahala ka na, basta ako, nagparaya na ako.

Deeming Virgin
Resurrection

THIS REQUIRES FOCUS.
Different
Names
for the
Same
Thing