Sunday, January 25, 2009
Sa tuwing sasapit ang dilim.@12:15 AM
Kamusta?
Alam mo bang magulo ang takbo ng utak ko ngayon. Sandali. Mali, maaari ko bang ulitin at i-tama ang aking pahayag? ~
Ehem, Magulo ang takbo ng utak ko ngayon, ibang klaseng gulo kesa sa normal na kaguluhang nangyayari sa loob ng aking kokote. Kinakalawang na ng todo-todo
! ~Ang Saklap naman nito. -Tumatawa ng parang isang tanga-
Sino ba si Myrt?-Isa lang naman siyang malaking pasanin sa buhay, lamon lang ng lamon kung kailan niya gustuhin, matutulog lang kung naisin niya, magbababad sa harapan ng kompyuter ng mahigit sa walong oras, walang tigil sa pagpindot ng mga letra sa keyboard, chat ng chat maya maya ay maririnig mo nang tumatawa, o di naman kaya'y galit na galit. Kung tutuusin, wala naman talagang ginagawa yan sa buhay niya eh, habang patanda ng patanda, pa urong ng pa urong ang takbo ng utak, pabalik ang pagpasok ng impormasyon. Siya lang naman ang isa sa mga pinakamabagal sa larangan ng pag-iisip.
Ayan ang isang malinis at makatotohanang paglalarawan sa sarili. Hindi yan ginawa at pinagtiyagaang isipin ng taong nagsusulat nito ngayon kung hindi yan totoo o di naman kaya'y humihingi siya ng kaunting pagmamalasakit o kaya awa sa inyo.
Ito ay pawang katotohanan lamang. Kahapon pa ako nang-gigigil na ilagay ang pyesa ng kantang hanggang ngayon ay pinapakinggan ko. Hindi ko alam pero ang lakas ng tama ng kantang ito sa akin. Pinapakabog niya ang aking dibdib at pinapatalas nito ang aking damdamin. Ibig sabihin lang niyan,
Maganda ito.
Tuwang-tuwa ako sa aking sarili, mukhang natutupad ko ng walang palya ang aking pangako. Isang magandang senyales ng pagbabago sa taong 2009
! ~Naks, bago ito
! :))
Alam niyo bang kilala ko na sila:
- Ciriaco
- Procopio
- Espiridiona
- Troadio
- Maxima
ASTIG SILA. MANIWALA KA! Mas astig pa sila sa Heroes, Superman, Batman, Spiderman, Catwoman, The Hulk, Magneto, Wolverine, Cyclops, Storm, Rogue, Huwarang o kay
Homer Simson. Mali, wala pa lang mas aastig kay pareng HOMER
! Subukan niyo silang i-google. -->

AYAN. Di ba, Okey
! ;)
**Subukan mong i-click, mapupunta ka sa Photobucket =)) =))
Kanina pa ako nababanas sa kapitabahay naming may pagtitipon-tipon/pagdiriwang. Kapag pinoy talaga ang naghahanda ng isang salo-salo, o pagdiriwang, hinding-hindi mawawala ang
VIDEOKE machine at malamang hinding-hindi mawawala sa eksena ang mga dakilang "PIYOK" ng lipunan. Haaay. Dahil sa hindi ko sila pwedeng batuhin ng bato o di naman kaya isang bote ng beer na pinaginuman na nila, naisip ko na ilista na lamang ang mga kantang kinanta nila...
- Like A Birgen
- Uftown Gurl
- Libin la bida ni Loca
- Ofen Arms
- Olweys B my Babeh
... at marami pang iba, sa totoo lang hanggan ngayon, MASAKIT PA RIN ANG MGA NGIPIN NILA. Haaay~ kinailangan ko pang itanong sa Nanay ko kung anong mga titulo ng mga kantang kanilang binababoy este kinakanta, ayan tinulungan naman niya ako. Hindi ako nagbibiro sa mga yan, talagang ayan ang lumabas sa kanilang mga bunganga, baka naman yan din ang lumabas sa TV at nagiging maunurin lang sila sa pagbabasa nito.
PATAYIN NA NGA SILA! GIYERA NA TOOOOOOOOOOOOOO! (Parabagang 300
!) - Awoo
! Awooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo! (Uy si Jacob, naghahasik ng lagim)
=))
Isang patalastas lang muna. Hehe... Ay sige wag muna ngayon :)) Sa tingin ko, hanggang dito na lang muna ako. Siya nga pala, bago ko makalimutan, Muling nabuhay ang aking PICSPAM:> Haha
! Kung may oras kayo, tignan niyo. Hehe :D
Kamukha mo si Paraluman. Sino nga siya? =)) =))