Saturday, June 13, 2009
Lagpas.@10:41 PM

Nahihirapan ako ngayon. Pano ba naman kasi, kasalukuyan akong hinaharana ng SHINee. Hindi ko mapigilan, ni hindi ko nga mahinaan eh. Sumasakit ang ulo ko kapag mahina ang volume ng pinapatugtog ko. Hindi ko alam kung bakit pero ganon eh. Gusto ko yung todo sa lakas. Yung tipong nakakabingi pero para sa akin, normal lang yun xD Haaaaaay.

Hindi ko alam pero bigla na lang sumayaw ang aking mga daliri sa keyboard at isa-isang pinidot ang mga letrang L-A-G-P-A-S-. In short, yun ang titulo ng post kong ito. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan ko nakuha yan xD Biglaan na lang eh :p Para bang nagkaroon ng sariling pag-iisip ang aking mga daliri at dalidali silang kumilos upang hindi maunahan ng aking utak. Kung bago, inunahan nila ang utos ng aking utak kaya gumawa sila ng sarili nilang paraan. Ang galing nga eh, walang magawa ang isip ko. Kahit utusan man niyang pindutin ang 'backspace' at burahin ang aking titulo, hindi niya ito magawa dahil ayaw siyang sundin ng mga daliri ko. WOW, pati mga daliri ko marunong ngang mag-rebelde. Hehe :>

Takte ang aga pa pala xD 10:48 pa lang daw, nakapaskil sa bandang ibaba ng i-screen ng kompyuter ko. Ang aga, naasar ako. Parang ginugol ko na lahat ng oras ko dito tapos 2 oras pa lang pala ang lumipas? Nag-simba pa kasi kami kaya late na ako.

Oo. tuwing Sabado kami nagsisimba. Pano kasi ang daming tao sa simbahan kapag Linggo. Halos kalahati naman sa populayong iyon ay hindi isinasapuso ang pagsisimba. Ang galing ko namang mang-husga. Kung sa bagay isa ako sa "halos kalahati" na yan :)) Kaya lang ako, hindi Linggo edition, Sabado edition ako :> Haha! Katulad lang kanina, buong homily ni Father, natulog ako. Ang galing nga eh, sakto pagkagising ko, tatayo na pala xD O di ba? :> :D =))

Sabi ko nga maaga pa. 11:30 pa lang ngayon. Grabe halata bang hindi ko muna tinatapos itong blog ko? Multi-tasking masyado xD Eto, patalastas muna. Hehe :p

Enroll Now!

Ayan xD Um... Gusto ko pang magbahagi pero sadyang maikli at hindi sapat ang bawat oras. Haha.

Deeming Virgin
Resurrection

THIS REQUIRES FOCUS.
Different
Names
for the
Same
Thing