Sunday, August 9, 2009
Oo nga diba, Minahal kita.@11:00 PM


Inamin ko na sayo lahat. Ang pagkakaalam ko, wala na akong utang. Bayad na ako. Pinahiya ko na nga ang sarili ko sayo eh. Alam mo masakit sa akin kasi, yun na nga pinahiya ko na yung sarili ko sayo. Dahil oo nga pala ano, minahal kita. Minahal talaga kita Kahit anong nangyari noon, talagang minahal kita. Masulyapan ka nga lang e, talaga naman, napakasaya ko na. Hindi ko ipagkakailang nabaliw ako sayo. Ewan ko ba, hindi lang kasi kagandahan ko ang napansin ko. Kasi halos parehas tayo. NAGPAPAKA-BALIW. Kalog ka rin kasi kaya pumatok ka sa puso ko. Ayun talaga siguro ang dahilan. Plus na lang na ubod ka ng ganda. HAY.

Alam ko mababasa mo rin to. Mabuti na nga eh. Total, alam mo na. Ano pa bang itatago ko sayo.
Tinatanong mo ako kung anong ginagawa ko nun. Dapat pala ang sinagot ko, "Ano, nilululong ang sarili ko sayo. Tsaka, inuubos ang panahon para lamang makita ka."

Siguro nga ganon.
Pero ngayon kasi ibinuhos ko na yung buong atensyon ko sa hinahangaan ko.
Alam mo na rin yun di ba? Ikaw nga e, meron ka rin naman diba.
Parehas na lang tayo ngayon. Yun nga lang, hindi naman ako yung minamahal mo. Pero alam mo yun, halos parehas tayo ng katayuan ngayon. Mas mahirap ngang maabot yung sa akin e. Kasi sikat. Kasi nasa malayong lugar. Kasi ako commoner siya high-class.

Alam mo na rin yun.
Tignan mo, wala kang hindi alam. Ako kaya, kailan ako magiging hitik sa balita tungkol sayo? Ayoko na problema mo lang ang alam ko. Mahirap kasi, pero negatibo. Medyo lang noh? Kasi ako kahit yung mga positibong bagay, ibinahagi ko na sayo. So, alam mo na. MEDYO LANG TALAGA. Ayun lang.

Alam ko nag-kairingan tayo nung isang gabi, pero nag-usap naman tayo kanina. Masaya ako kasi nag-kaayos na tayo. Pero gusto ko lang ulit ipaalala para sa susunod na hihiritan mo ako ng ganon, alam mo na kung anong mararamdaman ko.

Sinabi ko sayo diba, I Love You.
Totoo pa rin ata yun. Hindi nga lang 100% so pwede mo nang ipagsawalang bahala. Hindi naman kumpleto e.

Hayaan mo na lang tangawing ng hangin.
Mas mabuti na yun di ba? Para sa ikabubuti na rin natin. HAY.

Tapos na akong mang-buntong. May ganyan bang salita? Aba ewan.

Deeming Virgin
Resurrection

THIS REQUIRES FOCUS.
Different
Names
for the
Same
Thing