Wednesday, February 4, 2009
@10:51 PM
"
Dannak ng dugo."
(Pwedeng pa-please nang sigaw?!) Ayan. Siguro ganito talaga kapag--- Karaniwang araw sa mga taong nagpapakapagod magdikit at magtupi ng mga papel na madaling mapunit at ang pag-iwas sa paggawa ng ganitong trabaho.
Maraming nangyari sa araw na ito. Pagtatapat, Kumpisal, Harapan, Diretsahan, Kwentuhan, lahat ng may -pat, -sal, - pan at -hal sa dulo. Magulo/Masaya/---
Nagbabagang mga damdaming sumisiklab sa maling oras at panahon. Nagdudulot ng matinding galit at kalungkutan.
RE. Kamusta ka na? Alam kong marami kang pinagdadaanan ngayon. Salamat sa pagtitiyaga sa pakikinig sa akin. Salamat at naintindihan mo ako. Salamat sa iyong mga salita. Masaya ako na kahit papaano, pinadama mo na kahit papaano, natulungan din kita sa iyong mabigat na dinadala. Natutuwa ako na kahit may pinagdadaanan akong mabigat ngayon, meron pa rin akong natutulungan sa simpleng paraan lang ng pakikinig. Pinaramdam mo na may halaga rin pala ang bawat isang opinyon na aking binibitawan. Hayaan mo. Kapag hindi mo na kaya at nalulungkot ka tandaan mong nandito lang ako, handang tulungan ka sa abot ng aking makakaya. :D Muli, salamat sayo.
Sa mga panahong ganito, maraming bagay ang tatakbo sa ating isipan, mga desisyon na ating pag-iisipan at mga salitang mabibitawan.
Ember
! Hello
! Kamusta? Sobrang na-miss kita. Ang dami kong gustong ikwento sayo. Ngunit naisip ko na baka makadagdag lang ako sa sakit na nararamdaman mo dulot ng pag-sayaw. Di bale, okay lang. Galingan mo
! Alam kong kayang-kaya mo yan
! Maraming Salamat sa pag-tulong at pag-papalakas sa akin sa panahon na ito. Maraming Salamat, lalo mo akong pinalakas sa iyong mga isinaad. Salamat at naniniwala ka sa akin, na malalagpasan ko ito at kakayanin ko, gaano man siya kalaki, kakayanin ko. Salamat sa pagtitiwala mo sa aking kakayahan. Tama ka, malamang nga ay hindi mo pa ako ganon ka kilala (buong pagkatao ko) pero natutuwa ako dahil nakikita kong gumagawa ka ng paraan upang makilala pa ako at unawain ako. Salamat talaga. Sobra na ang pagtulong mo sa akin. Hindi ko man maiparamdam sayo, pasensiya ka na ha pero ang totoo niyan kung hindi sa mga tulong mo sa akin, hindi ako magiging ganito ka lakas kaya talagang saludo ako sayo. Tama na nga tayo sa dramahan xD Alam kong kaya mo yan
! Haha
! Sandali na lang at matatapos din yan :) Sana magkasama pa rin tayo bukas, kahit sa recess at lunch lang :) Haha. Basta, huwag mong pababayaan ang sarili mo :> Kumain kayo ni Bautista. Huwag kayong magpapalipas ng gutom. Mag-ingat kayo at kaya niyo yan
! Kaya pa
! :))
Sa darating na mga araw, marami pang mangyayari. Kailangan ko nang linisan ang aking panangga at espada. Ihahanda ko na ang sarili ko sa matinding bakbak at papatunayan ko na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Wala na tong urungan. \m/
Dito na maaring magtapos ang lahat.
Dito na nga siguro.
Para sa isang tao, gusto kitang makausap. Sa kabila ng mga nangyayari sa atin ngayon, mahal pa rin kita at gusto na kitang mayakap. Alam kong maayos din natin ang gusot na ito.
Magbigay pugay. (Dahil na-miss ko na rin ang mga araw ng pagkalulong sa bisyo. =))
E.Making real guys feel pathetic since 1918