Sunday, May 24, 2009
Pagtinamaan ka ng - - - -@2:11 PM
*"Magpapakamatay ka ba?"Paggalit na tanong sa akin ng lifeguard sa
pagpigil sa aking tangkang pagtalon. Ayon sa kanya kapag itinuloy ko daw ang aking takdang pagtalon habang malakas ang alon ng tubig, matatangay lang daw ako at malulunod na magiging resulta ng pagkawala ko sa mundong ibabaw.
"Bakit? Hahayaan mo ba ako? Di ba yun naman ang trabaho mo? Ang iligtas ang mga taong nalulunod sa lahat ng makakaya niyo? Di ba yun naman talaga ang silbi niyo dito?"
"Oo nga, pero para hindi humantong ang lahat sa isang malagim na aksidente, inuunahan na namin. Alam mo hindi lang naman ikaw ang nagiisip na tumalon diyan. marami na rin ang nagtangka""Sige, Salamat."
Sa aking isipan, napagisipan kong akma nga sa kanila na tawagin silang isang
Lifeguard.- - -

Kahapon ang angkan ng Andrade ay nag-tungo sa Nine Waves Resort sa may San Mateo. Umaga pa lang ay lumarga na kami. Sinundo lang namin ang iba pang mga kamag-anak at dumiretso na sa San Mateo. Simple lang ang suot naming maganak. Yung tipong panligo talaga. Nang makarating sa destinasyon, masakit sa ulo. Ang daming tao. Sa kainitan ng araw, abala ang iba sa pagbabad sa tubig. Mapabata man o matanda halatang nag-eenjoy. Walang bahid ng kalungkutan o kapaguran sa kanilang mga mukha.
Masaya sila. Masaya rin naman ako. Masaya ako at kasama ko ang aking Uncle, Tita at Pinsan na nag-bakasyon dito. Mas masaya ako na makapiling ang aking pinsan. Cute siya eh. Habang naghihintay sa aming passes, nagkaroon ako ng pagkakataong maka-bonding ang aking pinsan. Karga-karga ko siya at masaya naman ako na napapasaya ko siya kahit papaano. Hindi ko alam pero iba talaga ang pakikitungo ko sa mga bata. Hindi ko kayang makita silang malungkot kaya kahit ano ay gagawin ko para lamang makita ang ngiting napakatamis na nakapaskil sa kanilang malalambot at nakakatuwang mga mukha.
Lumipas ang oras ng saya. Nagenjoy din naman ako. Natuwa ako sa aking ina dahil game na game siyang makipagkarerahan sa akin sa paglangoy. Natutuwa naman ako sa aking kapatid, dahil nakikita kong nag-eenjoy siya sa tubig. Lahat sila masaya at nagsasaya. Masaya na ako dun o higid lang sa saya kontento na ako dun. Lumipas din ang hapon na hindi ko namamalayang hinahawakan na ako ng lifeguard. Wala naman talaga sa utak ko ang 'magpakamatay' wala nga akong iniisip na ganon eh. Nakatayo lang naman ako sa dulo ng 6ft. na part ng pool. Walang ganong tao sa parte na yun, malalim daw talaga ayon sa mga taong dali-daling umahon pagkatapos nila subukang lumangoy dun. Nag-alala lang siguro yung lifeguard kasi matagal na akong nakatayo dun at mukhang tulala pa ang itsura ko. Siguro mukhan ngang gusto kong tumalon. Nung mga panahon na hawak ako nung lifeguard at tinanong kung balak kong magpakamatay, gusto kong tumawa. Sasagutin ko na sana siya ng
"Tanga ka ba? 6 ft. Itong parte ng pool na to' diba? Sa tingin mo ba hindi ako marunong lumangoy? At sa tindig ko ba, sa tingin mo hindi ako makakatayo sa ilalim ng tubig?" Pero biglang natangay ng hangin ang utak ko at umiral nanaman ang pagka-sensitibo ko. Kaya iba ang natanong ko sa kanya.
Sa sandaling iyon, marami akong natutunan sa kanya. Kahit sandali lang iyon, malaman ang kanyang naging mga pahayag at alam kong nadama ko ang sensiridad sa kanyang tono. Alam kong kulang pa ang pasasalamat na sinabi ko sa kanya. Parang ginising niya ako sa matagal kong pagkakatulog. Nabuhayan akong malaman na buhay pa ako. Hindi na ako matutuwa kung babalik muli ulit kami dun, kung kasama sila. Pero kung mga kaibigan ko naman ang aking makakasama, babalik akong nakangiti :D
Deeming Virgin
Resurrection
THIS REQUIRES FOCUS.
Different
Names
for the
Same
Thing
Young Blood
Lovable Milk Consumer
So hey.
I'm seriously considering dying. Wrong grammar is the game here.
19 years of pure edge rock n roll \m/
Tattoos, music and jetblack hair is the game
So yeah, I'm a college student even though it does't seem like it.
I like to cut my hair in unusual and unequal lengths. I like the smell of spray paint.
I brake bones as much as I brake promises. I'm a creep, yes.
Uh, I'm not good with introductions. Yes? :D
I'm a milk drinker and I'm not afraid to be drunk... with milk. Haha!
"Which of my photographs is my favorite? The one I’m going to take tomorrow."
– Imogen Cunningham
talktalktalk
love me, love say you gonna love me.