Sunday, June 14, 2009
Hayop Ka! =))@1:33 AM

Ayan. Hindi ko alam pero sooobrang tawang-tawa ako sa litratong yan. Hindi ako nadadala sa itsura ng kanyang pagmumukha o di naman kaya'y sa kanyang matatalim at mabangis na ngipin. Naaalala ko lang yung natuklasang torya?! /theory// ni Charles Darwin. Dun sa ating pinagmulan. Pansinin ang braso ng hayop na ito, hindi ba mukhang braso ng tao? (o sa kasong ito, ang brasong iyan ay pagmamay-ari ni Jacob Black) Ang galing ano. Mas cute naman to' sa aso naman tayo nanggaling, hindi sa unggoy. Teka nga, bakit nga ba ako napadpad sa usapang ito...
Kasi naman, kasalanan ito ng aking Ina. Pinapanuod ko kasi sa kanya yung Trailer ng New Moon.
Grabe. Ang kulit. Gusto niya ulitin ng ulitin ko. Hindi daw niya napanuod yun ganyan, ganito... Ang daming palusot gusto lang niyang makita si Dr. Carlisle Cullen. (Crush niya yun, kung gusto niyo ipagkalat niyo pa, okay lang daw sa kanya) Ayan, nasan na ba ako... -binalikan ang kasalukuyang isinusulat- ayan, naalala ko na... Ayun nga, edi paulit-ulit na naming pinapanuod. Tapos yung mga komento niya, ang galing daw. Parang ang lamya na lang daw tuloy ng Twilight. Maganda daw itong New Moon. Astig ba. (Sabi niya) Kaya tuloy inaya niya ako na kami na lang daw ang manuod... Sa totoo lang, kaya ko ibinahagi sa inyo ito dahil gusto kong humingi ng tulong.
NAGMAMAKAAWA AKO o kung gusto niyo MAGMAMAKAAWA AKO sa inyong harapan. ILIGTAS NIYO AKO SA AKING INA. Iba to' kapag nagustuhan niya, iba na ang mangyayari. YARI NA. Siguradong kapag siya ang kasama ko, Ikahihiya ko na anak niya ako o kaya nama'y Ina ko siya. Kanya-kanya na. Mahalaga ito sa akin. Minsan lang ako magka-interes sa mga pelikula at ngayon lang talaga ako na-adik. Kung siya ang makakasama ko. Madudurog na ang aking puso. Ngayon pa nga lang na iniisip ko, NAHIHIYA na ako. Nanunuod pa lang kami ng trailer na 1 minuto at 49 segundo, nabibingi na ako. Pano pa kaya kapag buong-buo na ang pelikula? Ako hindi makahinga, Ina ko tumitili = ipagsama mong manuod ng New Moon. Patay na. Wala na. Haaay. Sana tulungan niyo ako. O di naman kaya'y ang mas bagay na salita dito ay, ILIGTAS NIYO AKO.


Deeming Virgin
Resurrection

THIS REQUIRES FOCUS.
Different
Names
for the
Same
Thing