Saturday, December 6, 2008
Blue Nailed Creep. Murder Scene #4@9:30 PM

Today my nails are colored blue.
(they are shimmering now as I type this)
hehe.

>>>

sa Church, merong dalawang bata na may kasamang matanda sa harapan ko.
-unang bata.
(lumingon siya sa likod, nakita niya ako, naka unleash ang full bangs ko, sabay sundot niya sa braso ng kasama niyang bata) ...
-pangalawang bata.
(pagkakalabit sa kanya ng unang bata, lumingon din siya sa likod, nakita niya ako, naka unleash ang full bangs ko, sabay kabalit niya sa unang bata) ...
-silang dalawa.
(Pagkakalabit ng pangalawang bata sa unang bata, sabay silang lumingon sa likod. tinignan nila ako pareho, naka unleash parin ang full bangs ko pero natatawa na ako, pagkatingin nila sa akin, kinalabit nila ang matandang katabi nila.)
-matandang kasama ng dalawang bata.
(Pagkakalabit sa kanya ng dalawang bata, ...)
Matanda: Ano? Nagdadasal ako eh, kumuha ka na lang ng bente sa bag ko kung gusto niyo ng mani.
Unang bata: Hindi, Lola tignan mo... (sabay bumulong sa kanya)
Matanda: (Lumingon sa likod, nakita niya ako, naka unleash ang full bangs ko, sabay dukot ng bag, binuksan ang bag, maya maya lamang ang may hawak na siyang rosaryo at bibliya, iniabot niya sa unang bata ang rosaryo, ang bibliya naman ang inniabot niya sa pangalawang bata, sabay sambit na...) Hawakan niyo yan, at huwag niyo na lang tingnan, mawawala rin yan, matutunaw.
...
Hindi ba nakakatuwa?
At ganon na pala ako ngayon, kinakatakutan.
=))
Ninais ko sanang lapitan ang dalawang bata pagkatapos nung misa, kaya lang dali dali silang tumakbo. Agad namang sumunod sa kanila ang matandang kasama nila.
...
Sayang, sasabihin ko pa naman din sana na magdala sila ng bawang at isabit nila ito sa leeg nila at sana magdala na rin sila ng holy water, para naman sa susunod siguradong tunaw na tunaw ako.
HAHA.
Ang saya noh?

>>>

It's been 11 days since I lost. I left half of myself to someone. Until now, I can't seem to redeem it. I wish I could, I miss it.
If I were to play this part this would be the story.
Before I was like "Seth" but now, I'm like "James" (well this is what it looks like to me)
Get?
Oh what the hell.
I'm the one who deserves this, let alone the flames of hell.
-sign-
HAHA.

>>>

Ohh, I shall have a haircut.
I deem.

>>>

Sa Robinsons,
bingyan kami ng brochure ng lalaki sa may "AV Surfer" Sale ng mga samu't saring appliances at mga gadgets.
(Kinuha ng nanay ko yung brochure, sabay buklat, tignin, maya-maya lamang, ...)
Nanay ko: Nique! Tignan mo to! Dali
Ako: Ano? Hindi mo naman ako bibilhan eh.
Kapatid ko: What's that? (pa-cute)
Ako: Wag ka na, hindi ka cute.
Nanay ko: Ikaw talaga inaayaw mo nanaman ang kapatid mo, tignan mo nga to, bilis.
Ako: Sige na nga, patingin.
Nanay ko: (tinuturo yung picture nung PS3...)
Ako: Saan? Ano ba naman.
Nanay ko: Ano ka ba naman, ayan yung Playstation 3 yung tinuturo ko, iba naman yang tinitignan mo eh.
Ako: Yung PS3 nga yung tinitignan ko.
Nanay ko: Talaga? O, hindi ka ba nagulat? May Playstation3 na!
Ako: So? Bibili ka ba naman?
Nanay ko: Wala sinabi ko lang, edi sabihin mo sa daddy mo.
Kapatid ko: Mommy, I want Mcdo.
Nanay ko: Wait Martin, Ate and I are arguing...
Ako: Talaga nagaayaw tayo?
Nanay ko: Ewan ko sayo. O ayan tignan mo (iniabot sa akin yung brochure)
(kinuha ko sa Nanay ko yung brochure, sabay buklat, pagkakita ko sa PS3...)
Ako: Mommy! Tignan mo! SRP nung PS3! 22,999. Tapos 3,833 a month!
Nanay ko: Tignan mo to, kanina ang yabang, may pa SO, SO pang nalalaman.
Ako: Sorry naman talaga.
Kapatid ko: (Sumisigaw) MCDO!
Nanay ko: Wait! Martin you want Playstation?
Kapatid ko: Yes.
Nanay ko: Sure?
Kapatid ko: No.
Ako: Para ka talagang timang Martin.
Nanay ko: Akin na nga yan, walang kwenta naman tong dalawang to! (sabay hablot ng brochure)
Ako: Patingin na lang ako mamaya sa bahay.
Kapatid ko: (Umiiyak na) MCDO!
Nanay ko: Come na, we'll buy Mcdo.
>Sa Mcdo...
Nanay ko: Anong gusto mo Nique?
Ako: Float lang, yung watermelon flavor.
Kapatid ko: Lion! Lion!
Nanay ko: Martin, this is not a zoo, this is Mcdo.
Ako: Ang corny mo! Happy meal kasi yung sinasabi niya, yung toy, yung sa Madagascar, si Alex.
Nanay ko: Alam ko naman kasi. Basta yung iyo... FLOATS?
Ako: =))
FIN.

Ang gulo namin noh?
=))

Haaay.

>>>

Sabado na, wala pa rin akong speech!
YAHOOOOOOOOOO!
=))

>>>
Miss na kita, sana naman makausap na talaga kita.

>>>

Ayan na, tapos na ako.
Nag-shishimmer parin yung nails ko.
Haha!

Deeming Virgin
Resurrection

THIS REQUIRES FOCUS.
Different
Names
for the
Same
Thing