Monday, February 9, 2009
@6:58 PM

Hindi ko ito inabandona. Tinamaan lang ako ng katam.

Minsan talaga merong mga bagay na nangyayari na hindi naman inaasahan. Paminsan magkakaroon ng mga hindi pagkakaintindihan na hindi naman talaga alam kung anong pinagugatan. Nagkakalabuan, Nagkakasakitan, Nakakapagbitiw tayo ng mga salitang hindi naman dapat mailathala. Oo nga, minsan lang ito mangyari, pero grabe naman ang epekto. Maraming nang nangyari at marami pa rin ang nangyayari. Magulo, Masakit, Halo-Halo (hindi yung masarap na pampalamig)

Tinuklas ko ang dahilan ngunit nabigo. Inalam ko ang kasalanan ngunit walang naglalarong ganong pangyayari sa aking isipan. Hindi ko naintindihan ang kinikilos ng tao. Hindi ko alam kung naglolokohan na lang sila o sadyang ...

Iba iba ang timpla ng bawat tao. Mapa-ugali, talento, kakayahan, dedikasyon, determinasyon, lakas ng paninindigan at pagkakaisa. Iba iba man bakit kaya merong nagkakasundo? Maraming tanong, sa iba wala nang kasagutan, ang iba pilit hinahanap ang kasagutan, ang iba hinahayaang ma-diskubre nila sa kanilang sarili ang mga kasagutan...

Wala na akong matinong sinabi dito. Hindi ko alam kung akma pa ba ang huling dalawang talata, hindi ko alam kung tama pa ba ang nilalahad ng bawat pangungusap. Eto ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko.

-Commercial muna tayo- Bumalik lang sa akin yung sinabi ni Ember kanina. "Blogosphere" Hehe :D

-Nagbabalik, matapos ang napaka-ikling patalastas-
Sa ngayon, masaya na ako sa napag-usapan natin. Marami tayong nalaman sa totoong sitwasyon na kinahantungan natin. Nalaman nating wala naman palang dahilan upang magkaganito tayo. Lubos akong natutuwa, nagagalak. Sabi ko naman na maayos natin itong gusot na ito at hindi yata ako papayag na magkawatak-watak us :)) Grabe, Na-Miss kita, hindi mo lang alam kung gaano kasarap sa pakiramdam ng wakap mo kanina.

Bulaklak. Nagkita tayo ah. Natutuwa ako, mukhang solb na ulit kayo ni Mr.Mr. Haha! Nagagalak akong makita kang masaya at kontento. Ang sarap nung black forest noh? Haha! Bakit ngayon mo lang tinahak na tikman yun? xD Hanggang sa muli.
oo nga pala, eto na ang request mo. C. Huwag kang mag-alala, BABAENG BABAE ako. Nagkataon lang na, crush ko. Hehe, pasensiya na po.

Marami pang mangyayari. Marami pang dapat abangan. SOON.
Good Luck sa lahat ng particepantes ng Fiesta Festival :>

Deeming Virgin
Resurrection

THIS REQUIRES FOCUS.
Different
Names
for the
Same
Thing