Friday, March 13, 2009
Ang Epekto Nga Naman Nang ika-13 ng Marso Sa Akin.@9:50 PM
Palpak ka nanaman.
Oo nga. Kelan ba naman hindi?
Paminsan meron kang ginagawang mga bagay na maganda pero mas malaking porsyento parin ang mga kapalpakan mo. Pasensiya ka na pero ganon ka talaga siguro.
Alam ko naman eh, hindi na kailangan ng isa pang paaalala.
Sinasabi ko lang.
Alam ko, Pasensiya na.
-- Isang paguusap na naganap sa pagitan ng isa kong katauhan at nang isa ko pang katauhan.
Ayan na. Gumana na ang napakalakas kong MAGNETIC PULL sa kamalasang dulot ng 13thBiyernes. Masakit mang aminin pero isa ako sa milyong-milyong tao na nadadale ng kamalasang ibinabagsak ng kalangitan tuwing sasapit ang Araw na Biyernes na natapatan ng 13.
Wala man akong balat sa pwet at sa kung san mang parte ng katawan ko... Ako'y nagiging biktima parin ng kamalasang ito. Mahal na mahal ako nito, pano ba naman, nakasanayan ko na rin atang maging sunod-sunuran dito. --Masunurin kasi ako. =)) Tanga, sa maling bagay pa talaga sumusunod xD
Oo nga eh, sa sobrang katangahan pati mga taong pinakamalapit sa akin, nasasaktan ko na rin. Alam kong ang dami kong kapalpakan sa buhay, pati nga kayo nadadamay. Pasensiya na talaga.
At kaakibat nang una kong pahayag, nais kong iparating ang ilang mga personal na mensahe sa mga sumusunod na tao:
Nakalimutan kong aalis pala kami pag-kauwi ko kaya late na akong nakapagonline. Sorry. Lalo na kay Arcilla Katrina Pernecita Carel. (Hindi gulo-gulo yan, PRAMISxD) Upload ko na talaga yung mga litrato bukas. Pangako. Talagang Talaga. Haha!
Sorry Sara. Sorry sa mga kapalpakan ko ah.
At para sa mga taong walang magawang matino sa buhay nila... Lalo na sa isang unanong gago na walang alam kundi kayabangan at ka-preskuhan. Tigil tigilan mo na nga si Mia. Putcha, feeling ko Boy Abunda ka lang eh, wala ka ng ma-chismis kaya gumagawa ka ng sarili mong balita. Para sa iyong impormasyon, HINDI KA ISANG TAONG DAPAT KAHINAYANGAN. Sana nga mabasa mo to' ng malaman mo na may taong handang-handa kang harapin at sabihin to' lahat sa pagmumukha mo. Medyo mahihirapan pa nga ako eh, kasi sa sobrang pagkaunano mo kelangan ko pang yumuko para lang MASIGAWAN KA AT SAPAKIN KA. Tumigil ka na nga sa pagiilusyon. Gumising ka na.
Ma. Pearl Estelle Trono Bautista. Handa akong manugod at manapak (pumatay) ng isang gagong unano para lang sayo at sa lahat ng mga taong gusto kang saktan at pilit kang sinasaktan ngayon. Tandaan mo lang na ikaw na unang unang taong pag-gugugulan ko ng atensyon ko. Ibibigay ko sayo ang sarili ko bilang isang kaibigan, kasintahan at lahat lahat na. Basta, Mahal na mahal kita at ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung may mga taong pilit kang sinasaktan. Okay?
Eto na. Kumapit na tayo sa pagtatapos ng isang taon ng kakaibang paglalakbay sa tauhan ng isang
Sophomore. Uy, -quotation mark- EXCLUSIVE -quotation mark- HAHA! Grabe, kami kasi -quotation mark- LOYAL -quotation mark- Natutuwa ako sa inyo. Ang saya saya niyo ngang tignan eh. Para talaga kayong nasa isang cartoon, CARITON NETWORK =)) Alam mo, kung balak mo ng gawing routine ang gawain mo ngayon, siguraduhin mong galingan mo ang pag-arte, ayus ayusin mo na rin yung script mo, medyo sumasayad na kasi yung mga linya mo eh. Tandaan mo yan ah, mga tips ko para sayo. :>
Hindi dito magtatapos ang lahat.