Friday, March 27, 2009
Umiral na ang Paglimot, Umusbong na ang Pananaig ng Pagmamahal.@12:39 AM

Ayan, nakamit na ng kapatid ko ang kalagayahan niya.
Noong mga nakaraang araw, madalas kaming umalis nang
pamilya ko. (isang himala) sa bawat araw ng pag-alis namin,
walang isang lakad namin ang nakaligtas sa bagsik ng kapatid ko.
Hindi niya nakakalimutang nagtitindi pa rin ng V-C-D ang Astrovision kahit na
pati mga nasa squatters area ngayon eh, naka DVD na. Hindi naman umaangal
ang butihin naming ina dahil, "buy one take one" naman ang kaligayahan ng kapatid ko.
Ha. Ha. Ha.
Kaya naman, araw-araw akong nagdudusa sa panunuod ng PAULIT-ULIT na
-Sesame Street at Blues Clues.

Ayan si Yuki. Siya ay alaga ng aking uncle. Mali ulitin natin.
Ang pangalan niya ay Yuki. Anak siya ng aking uncle at tita.
Ayun xD
Natuwa ako dahil muli niya kaming nabisita. Sa totoo lang,
namiss ko rin siya. Ang sarap niya kasing haplusin xD
Kaakibat ng kanyang pagbisita ay ang pagkakataon naming
mag-anak na muling mamasyal ng sama-sama :>
Bonding nga naman, ika-nga.

Muli nanaman akong pinana ni Kupido.
(Yung kupidong mahilig sa mga sasakyan) Hehe.
alam niyo naman sigurong lahat na mahal na mahal ko si
AG.
Pero hindi ko rin matatago ang malaki kong paghanga[?!]
(Hindi ko alam kung anong tagalog ng "crush" =)) )
sa ilang mga sasakyan :)) Katulad na lang ng pagmamahal ko
sa bagong labas na HONDA CRV :"> :))
at ngayon, muli nanaman akong hinahandugan ng Honda ng isang
kagiliw-giliw na sasakyan, isang HOT na sasakyan =))
Ayan ay Honda Element :">
*um pasensiya na sa mababang kalidad ng litrato.
Nag-mukha nanaman akong stalker. HAHA!
kukuha na lang ako ng malinaw na kopya ng Honda Element sa Internet =))
Ito ang isa sa libangan ng kapatid ko,
isa sa mga bagay na nagbibigay sa kanya ng walang hanggang kasiyahan...
. . .

Walang iba kundi ang pag-tripan ako.
-bow-
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Matagal tagal na rin akong hindi nakakapagunat-unat ng mga daliri ko. Ibig sabihin lang niyan, matagal na akong hindi nakakapag-talata dito sa aking, electronic talaarawan. Ibig sabihin, maraming natuwa dahil nanahimik ako. (Aminin niyo na, sumaya kayo na hindi kayo nakapagsayang ng oras niyo sa pagbabasa ng aking mga tala sa aking talaarawan) Haha! Eh, pasensya na muna kayo, medyo ginanahan ako ngayong araw na ito.
Pagtilaok palang ata ng tandang, umiral na ang kasipagan ng aking ina kaakibat ng kanyang kasipagan, ay ang pagtulong ko sa kanya sa pagsulong ng kampanya para sa kalinisan nang aming tahanan. Naisip kong magtulog-tulugan muna, para naman mailigtas ko ang sarili ko sa pagod, alikabok at walis tambo. Kaya lang, kilalang-kila talaga ni Bionic woman este ng nanay ko... tinangka niya akong hubaran ng shorts, subalit bago siya magtagumpay ay bumangon na ako. Wala. Kailangan ko talagang makihalubilo sa alikabok at walis tambo. Wala na akong iba pang mga pakulo, kaya isinuko ka na ang sarili ko sa kanila. Habang napapagod na ang kapatid ko sa panunuod ng kanyang mga VCD sa aming salas, kami naman nang aking ina ay nagliligpit at nagaayos ng aking kwarto, este tambakan. Inutusan niya akong tignan ng maigi ang mga papel ko, mga LP's, Sulat at kung ano-anong trip kong itago. Ayun, nasa unang clearbook pa lang ako, napuno ko na yung isang malaking plastic bag. Tinuloy ko ito hanggang sa nagustuhan ko na rin yung ginagawa ko. Sa pagbabasa at pagtingin ng mga luma kong LP, libro, written reports atbp school related stuff, para rin akong sumakay sa isang time machine na ibinalik ako sa mga Grade 6 at 7 days ko. GRABE. Nakita ko ang mga naisulat ko, mga naging lessons namin at halos lahat ng mga katarantaduhan ko =)) *Bata pa lang pilya na talaga. Nalaman kong mahilig talaga akong mag "pass ILLEGAL notes" during clas =)) As in! Ang DAMI, DAMI TALAGA! :)) Maski ako, nagulat. HAHAHAHAHAHAHAHA! Marami rin akong nakitang mga lumang litrato. (grabe, kumikinang pa ang katabaan ko nun xD hindi ko rin naman sinasabing payat na ako ngayon pero MATABANG MATABA talaga ako noon :p ) Ayun. Ang daming mga masasayang memorya ang nanumbalik sa akin. Mga masasayang bahagi ng aking nakaraan.
Hanggang sa
nasa parte na ako ng FIRST YEAR days ko.
Grabe. Hindi ko aakalaing magagawa ko, at tuwang-tuwa ako sa sarili ko dahil, NAGAWA KO!
Isang bagay na hinding-hindi ko magawa noon, siguro nga talagang, nawala na ang lahat, tapos na ang laban ko. Talo na ako.
Nakita ko muli ang mga litrato ni Bulaklak na i-print ko (kaya naubos yung ink ng printer namin) lahat, AS IN LAHAT ng mga litrato niya, labing limang litrato niya, TINAPON KO. Tinatamaan pa rin ako ng bahid ng panghihinayang, maski nga si mommy nagulat. Akala niya hindi ko kakayanin, akala niya muli kong hahalungkatin yung mga paper sa plastic bag upang kunin muli ang mga litrato niya, ngunit, hindi ko ginawa, sabi ko pa nga, sana mabenta na natin agad itong mga BASURANG ito. Grabe. Nailabas ko ang lahat sa paglilinis na iyon, at Nakalimutan kong minahal ko siya. Brutal ng pagtatapos ng mapait kong lovestory.
HAHAHAHA!
Sana may scanner ako, ANG DAMI kong gustong i-scan na mga notes, pictures maski doddles! :D
Ang saya talaga ng time travel na yun! Tuwang-tuwa ako nung pinaalala sa akin ni mommy na meron pang mga papel na dapat kong tignan. BUKAS NANAMAN, este MAMAYA na pala :))
Alam mo bang, may sasabihin pa sana ako, kaya lang nakamlimutan ko na eh :)) Hayaan niyo, muli ko nanaman sasayangin ang oras niyo dahil mukhang maglalaro nanaman ng habulan ang aking mga daliri sa keyboards bukas. :))
Ngayon, pansamantala muna siyang mamamahinga, mukhang hinihingal na xD
Pasensiya na nga pala, sadyang PAGONG ang aking laptop kaya hindi ako makapag-chat ng maayos. Maayos naman na yung deskstop namin eh! (HOOOORAY!) =))
Malapit na rin kaming magka-telepono... TELEBABADAN NA! YAHOOOOOOOOOOOO! =))
Hanggang Dito na lang muna. BUKAS ulit xD